Ang Huling El Bimbo Lyrics

Eraserheads

Eraserheads - Ang Huling El Bimbo Lyrics

Lyrics

Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha cha
Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagkaggaling sa eskwela
Ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

Naninigas ang aking katawan
Kapag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahang dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso

Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
At kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

La la la la la...

At lumipas ang maraming taon
Hindi na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
La la la la la...

Song & Lyrics Facts

Eraserheads' "Ang Huling El Bimbo" is a classic Filipino alternative rock song released in 1995 as part of their third album Cutterpillow. The band consists of Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala and Raimund Marasigan.

It was written by lead vocalist and guitarist Ely Buendia with additional lyrics from the other members. The genre of the song is alternative rock and it quickly became one of the most iconic songs of the Eraserheads. The song tells a story about a group of friends who are reminiscing about their childhood friend El Bimbo who has now passed away. It talks about how they used to play together and have fun but now he's gone forever. The lyrics are filled with nostalgia, making it an emotional yet beautiful song. It remains one of the most popular songs in the Philippines today and is often performed at concerts and events.

Translate Eraserheads - Ang Huling El Bimbo lyrics to:

Please select your language from the drop-down list to see the translation for Eraserheads - Ang Huling El Bimbo lyrics.

We have 15 Eraserheads's song lyrics which you can see on the right or by clicking on the artist's name.