Kukote Lyrics
Dong Abay
Lyrics
May araw na palaging gabi
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
Gaano man kadilim
magliliwanag parin
Nakikita ba ang bahagharing itim
ang buwan na bulok
ang basag na bituin
Naririnig din sa buong papawirin
bihag ang kulog kidlat ay alipin
May ulap na
may gubat may dagat pa
Sa mata ng aking kukote
sa mata ng aking kukote
Langit ay liliparin
kahit ang hangin ng himpapawid
Punong mahimbing ay lilim ng lagim
pusod ay puntod
puso ay balong malalim
magsisi nay hindi pinagsisihan
paligid ay isang panaginip lang
Umaambon umulan bumabagyo
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
umiiyak ang Diyos sa halakhak pagkatapos
Nabasa ka kaya sa patak na bumuhos
humahaba na ang luha sa pagpalakpak ng unos
lumubog man ang lupa
may ilog parin na aagos
malaya e malawak
malaya't di nakagapos
Sa mata ng aking kukote
sa mata ng aking kukote
Song & Lyrics Facts
Dong Abay - Kukote is a song by Filipino alternative rock artist Dong Abay and released in his album Revolusyon. The text was written by Abay himself along with band members, Noel Cabangon and Raimund Marasigan.
It features the distinct vocal style of Abay that has become one of his trademarks. The lyrics tell the story of a man who reflects on his life and realizes he must take control in order to make changes happen. He calls out for courage and strength to face the challenges ahead. The music itself is an upbeat mix of acoustic guitar and drums, creating an uplifting atmosphere.